Ybrahim/Ybarro
Ang asul na naging itim sa mundong malagim Nilabanan ang lungkot at lumbay na natamo Kahit pama'y mahirap pinagpatuloy parin Ilang taong nagmokmok Sa dilim Ayaw na sa Liwanag Nasanay sa Itim lumbay ang natamo di alam ang gagawin. Di alam kung ano ang lunas nito kahit paman ang unang inibig ay di wasto Gayundin ang bunga na akala'y Lunas Hindi malimot ang nakaraan, kinalimutan na ang bukas. Wala ng bukas sa pusong nawasak sinaksak ng kalungkutan, ito'y wala ng Lunas Ang akala'y Bagong Bunga ang magiging wakas Ngunit di naging sapat, Luha parin ang pumapatak. Tunay nga't ang Sanhi ng ligaya Ay siya rin ang magiging sanhi ng kalungkutan Nilimot na ang Bugna/Kapalaran Isinuko na ang buhay upang Hindi na masaktan Nasa kabilang buhay ang tunay na saya at ang tunay na kaligayahan Minsan kamatayan ang Lunas Sa nagdudusang Kasalukuyan..
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
