Wasak na tahanan
Pamilya… Sabi nila, ito raw ang unang paaralan ng pagmamahal, ang unang bubong na sasalo sa bawat bagyo, ang unang bisig na yayakap kapag nadapa ka. Akala ko gano’n din sa amin. Akala ko ligtas ako sa ilalim ng pangalan nating iisa. Ngunit dumating ang araw na lahat ng iyon ay gumuho. Ikaw, Ama— ikaw ang unang sumira ng tiwalang akala ko’y bakal, ikaw ang unang nagbukas ng sugat na hindi na gagaling. Bakit mo kami sinukuan? Hindi ba’t ikaw dapat ang huling tao na aalis? Noong bata pa ako, ikaw ang bayani. Ikaw ang haligi, ikaw ang lakas. Ngunit ngayon, ikaw ang guho, ikaw ang bitak, ikaw ang apoy na tumupok sa aming tahanan. Ang mga pangako mong dati’y parang bato, ngayon ay abo na lang na tinatangay ng hangin. Hindi ko maintindihan kung saan nagsimula, kung bakit mo piniling talikuran ang iyong pamilya. Ang iniwang bakas sa puso ko, hindi simpleng lamat— kundi isang malalim na bangin na hindi na matawid. Sabi ng iba, may pag-asa raw ang lahat, na oras daw ang gamot sa sugat, na maaari pa raw maghilom, magbalik, magkabuo. Pero hindi ko na kayang paniwalaan. Ang pagkasira ay hindi laging nasusudlong. May mga pader na kapag gumuho, ay hindi na kayang itayo muli. Kaya heto ako, bitbit ang bi
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
