Walang Hanggang Problema
Problema rito, problema roon, isang araw matapos, bukas naman ay uusbong. Parang anino na sumusunod sa bawat hakbang, parang ulan na hindi natutuyo ang langit. Kahit saan lumingon, may bagong pasanin, kahit saglit na pahinga, may kapalit na alon. Para kang nalulunod sa dagat na walang pampang, hinihingal, kumakapit, pero walang masasagip. Minsan naiisip ko, kailan matatapos? Kailan ba titigil ang mundong tila galit sa akin? Ngunit sa tuwing sumisilip ang liwanag, may bagong dilim na agad na sumusunod. Problema sa bahay, problema sa sarili, problema sa mundong hindi mo naman pinili. Walang hanggan, walang katapusan, parang ikot ng orasan na hindi titigil kailanman. At sa huli, napapagod din ang kaluluwa, pagod sa laban na walang panalo, pagod sa daan na walang dulo, pagod sa problema na walang kasunod na ginhawa.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
