wala siyang katulad
Sa mga mata niyang mala-bituin, Parang langit sa gabi, napakaganda't nakakabighani. May kislap na kakaiba, puno ng liwanag, Na siyang nagpapasaya sa aking puso't isipan. Ang ngiti niya'y parang sikat ng araw, Nagpapainit sa puso, nagbibigay ng sigla't ginhawa. Isang kurba ng labi, napakaganda at tamis, Na siyang nagpapaganda sa kanyang mukha't anyo. Sa bawat tingin niya, may kuwentong nabubuo, Isang kwentong puno ng pag-asa at pagmamahal. Isang imahe na di ko malilimutan, Sa puso ko'y laging nakaukit, di mapapantayan.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
