...
Sadyang napaka lupit ngaba talaga ng mundo? O sadyang abusado lang talaga ang mga tao. Sa panahon ngayon marami ang na-aagrabyado. At mundo natin ay punong-puno ng gulo. Bakit andaming naghihirap? Habang yung iba nagpapakasarap. Bakit di nalang tayo mag tulungan? Upang sabay-sabay na makamtan ang kasaganaan. Ngunit posible pa ngaba ito? Kung ang mga taong naka upo ay di naman totoo. Paano aahon sa kahirapan, Kung sila din mismo ang dahilan. Magiging pag-asa ngaba talaga ang bagong kabataan? Kung pati sa pag-aaral ay kinatatamaran. Magkakatotoo ngaba ang sinabi ni Dr. Jose Rizal? Oh sasabayan nalang natin ng matinding pagdarasal. Mga taong nasa posisyon ngaba talaga ang may kasalanan? Oh sadyang tayo lang talaga ang nabubulag at tanga-tangahan. Gustong makamtan ang kapayapaan, Pero sa simpleng pag gawa ng tama ay di magawa ang tamang paraan. -cha²
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
