...
Sabi nila, madali lang daw mangarap. Pero bakit ganito? Bakit sa bawat hakbang, parang may mabigat na batong nakasabit sa dibdib ko— mga expectations ng magulang, mga pangarap na kailangang abutin, mga takot na kailangang itago. Mag-isa ako sa boarding house. Tahimik. Minsan, ang katahimikan na ‘yon, mas maingay pa sa kahit anong sigaw. Doon ko naramdaman ang tunay na paglaban— sa lungkot, sa pagod, sa sarili. May mga gabing gusto ko nang umuwi, yung tipong gusto ko na lang magpahinga, pero sa tuwing naiisip ko sila— ang pamilya kong umaasa, ang sarili kong pangarap na kumikislap kahit sa dilim— sinasabi ko sa sarili ko: “Tuloy lang.” Tuloy lang kahit pagod. Tuloy lang kahit mag-isa. Tuloy lang kahit walang kasiguraduhan. Dahil ang aral ng buhay, hindi nasusukat sa gaano kadali, kundi sa kung paano ka tumatayo sa bawat pagkadapa. Kaya heto ako ngayon— bata pa, pero lumalaban. Lumalakad papunta sa kinabukasan, bitbit ang dasal, ang tapang, at ang pangarap. At balang araw, kapag natupad ko na lahat ng ito, titingnan ko ang sarili ko at sasabihin: “Worth it pala lahat ng pagod. Worth it pala ang bawat luha.” Dahil ako— ako ang kwento ng sariling tagumpay.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
