Unang Pagibig
Ikaw ang unang bumighani sa puso ko at natamaan ng palaso ni kupido,di ko alam bat ako pa ang natamaan kahit marami namang iba dyan. Ang katulad mong babae ay iilan lang at marahil imposible nang matagpuan.na gaya ng isang rosas na sa tag araw lang matatagpuan. Akoy nagugulumihanan bat kita nagustohan inisip ko nalang na itoy aking kailangang pagsumikapan dahil sa aking kagustuhan. Sa dinami dami natin sa klase malay ko ba bat ikaw ang gusto ko na tipo ng babae, marahil ikaw ay simple at madiskarte at ako ay torpe. Ikaw ang babae na walang kasing ganda na binigay ni bathala at ang iyong mata ay kasing kinang ng mga tala na sa lagit lang makikita.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
