UMIIBIG SA'YO
Kung sakali mang handa ka nang umibig Huwag kalang mahihiyang ipabatid Narito ako sasagot sa iyong mga himig Na ako mismo ang maghahatid. Sa ganda mong iyan Walang lalaki na aayaw sa'yo Sa mga ngiti mo palang Mahuhulog na sila, kahit ako mismo. Handa akong pagsilbihan ka Hanggang sa bundok man ako ay kakanta Upang sa'yo maipadama Na mahal na mahal kita. Hindi ka mahirap mahalin Maliban sa labas na anyo Para kang anghel Na may magandang puso. Kahit pa ma'y bulaklak ay aking pipitasin Kahit Perlas sa dagat ay aking sisisirin At Kahit ginto ay aking huhukayin Ganyan ako sa iyo mahal kong giliw.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
