ULAN
Ang mga ulap sa langit ay tila naghahabulan, Senyales na papatak na ang ulan, Parang pag-ibig na hindi mo mapipigilan, Tumampisaw ka kahit alam mong ika'y masasaktan, Dulot nito'y parang kay sarap sa pandinig, Bawat patak ay piyesa ng himig, At ika'y sumayaw sa ligaya ng tubig, Nilangoy mo kung saan ang baha ng pag-ibig, Tumila ang ulan at ika'y nabalot ng lungkot, At ang puso mo'y wari'y nakulong sa laot, Tumingala ka sa langit at ngiti mo'y nalukot, Tapus na ang laro ika'y nilagnat ng poot.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
