Tula bilang 7B
Bawat bagay ay may kapanahunan Itinalagang yao'y kagandahan Isimpan gamitin sa kailangan Kabutihan s'yang gawing kayamanan Nakalimbag sa aklat kasaysayan Kahit inilihim sa karamihan Saksi bituin, araw at ang buwan Iyong sinikap at pinaghirapan Pagtitiis ay hindi alintana Taong sa tagumpay nakatingala Hayag gintong dalisay hinuhulma Apoy sa kanya'y magpapakilala Sa mundo mayroong kalumbayan Mayro'n sa itaas at sanglibutan Lama'y hahantong sa kamatayan Espiritu'y patungong kaligtasan Kung suliranin mabigat, 'di kaya Tumiklop, iharap mukha sa lupa Pusong bagbag magpatirapa Amang yumari lahat ng nilikha
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
