TINIG NG PAG-IBIG
Sa kalaliman ng gabi Kung saan anino'y nagkukubli May isang mumunting tinig Binubulong ay pag-ibig. Ito'y hindi sigaw at lalong Hindi hiyaw Kundi pintig na 'di bumibitaw Sa pusong minsa'y naligaw At sa agos ng luha'y natunaw. Ngunit tulad ng tala sa dilim May liwanag na di kayang supilin Sa bawat pagsubok na lagim Pag-asa'y muling sisibol sa harden. Kaya't tumayo, O kaibigan Hawiin ang ulap na pumipigil sa daan Ang bukas ay laging naghihintay Dala ang bagong umaga at saysay
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
