Tingin
Nakita kitang muli— mga tingin mo sa akin, hindi nag-iba. Ngunit titig ko sa iyo ay may pait na. Ngumiti ka sa akin, at gano'n rin ako. At sa halip na matuwa, ako ay nagtaka— nasaktan, nagalit. Sapagkat—paanong? Papaanong kinaya mong pansinin ako, na para bang hindi mo nagawang saktan ang puso ko? Nakakatawa. Nakakainis. Nakakalungkot— makitang ako lamang ang nahihirapan at nalulugmok.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
