Tangi
Oh, aking tinatangi. Sa tuwing nakatingin ako sa iyong mga mata, para ba ako'y sumasalamin sa pag-ibig. Bawat salitang lumalabas sa iyong labi, Ako'y nabibighani. Ang iyong halik ay ang aking medisina. Kapag wala ka, ako'y nanghihina. Sa tuwing hinahawakan mo ang aking kamay, Ako'y nahihimlay. Oh, aking tinatangi. Ika'y mamahalin hanggang sa umabot man sa langit. Pag-ibig ko sa'yo ay walang katapusan. Tulad nang tubig sa karagatan.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
