TALENTO
ang daming ayaw maniwala‚ ang daming gustong mangutya‚ kaya’t pinili ko nalang magkaila‚ na may kaya akong ilathala. dahil walang gustong humanga‚ sa gusto ko sanang ipakita‚ natatakot na ako‘y mapuna‚ ng mapanghusgang madla. tumi-tiklop ang aking dila‚ hindi magawang makapagsalita‚ sumusuko kahit ‘di pa nagsimula‚ natatalo kahit ‘di pa tumataya. idina-daan ko nalang sa pagluha‚ nang ang sakit at pighati ay mawala‚ habang lumalaho ang tiwala‚ talento’y nawawalan ng talinghaga. ✍🏻 :: @tinta — maliit na letra ay sadya
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
