Talastas ng puso at isip
Madilim, payapang kapaligiran Nagsisilbing tanglaw ng araw sa buwan Kung sumapit bago magkatirikan Ang puso'y makikipagtalastasan 'Naririto, oras na ng pagbubulay Gaano kasaya kaya mabuhay Kasama na sana'y panghabang buhay Sa'king magbibigay ng mga kulay' Nang mausal kagyat kong nagunita Isang binibining lubhang maganda Nagkakilala na lamang nang bigla Magaling sumayaw saka kumanta Datapuwa't tumitindig yaring isip Alalahanin 'yong unang pag-ibig Kanyang mga gawang hindi malirip Kabutihang sa kaniyang puso,'y tibig Ngayon, oras nang pag-agapayanin Tinitibok ng sariling damdamin O ipakikipaglabang tungkulin Isa lamang ang maaring piliin Ngunit sa isip ko ay may bumulong 'Unahing dagling ikaw ay makulong Siyang sa'yo'y gagabay at tutulong Kaysa 'dun sa kaaway ka sumilong Pagkawika ng 'di kilalang tinig Sulirani'y natuldukan n'ang lahat Naliwanagang lubha yaring isip Makamtan pagiging karapat-dapat
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
