TAKBO, LAKAD, GAPANG?
Ito na naman, lalaban ng muli patungo sa buhay na tinatahak, ‘Yong iba tumatakbo na, ang iba nama'y gumagapang, pero ako... Naglalakad. Paano nga ba ang tamang paraan sa pagpapatuloy sa daan ng buhay? Alam mo ba? Alam ba nila? Gumising akong tila walang sigla, iniisip pa lang paano matapos ang araw ay nakakapagod na, Haharap ng muli patungo sa hamong alam kong hinding hindi natatapos, Na patuloy na susubukin kahit alanganin o alam kong kapos, Pero handa pa ring suungin kahit na may nakahadlang, “Kaya mo ‘yan, ikaw pa ba?” sabi nga nila na sa aking bawat hakbang. Humakbang kang matulin, matitinik ka ng malalim, Lumakad kang bahagya, sa huli’y mapag-iiwanan ka, Paano nga ba? Paano nga ba ang tama? MAGLALAKAD? Tama lang, hahayaan lang na sumabay na lang, sumunod sa kung ano lamang kayang ibigay? TUMAKBO? Magmadali, gawing paspasan ang lahat? Gawin ang lahat ng maggagawa dahil sabi nga – ang buhay hindi natin kung kailan magtatapos? O, GUMAPANG? Mabagal, pa-unti-unti, at tila ba’y madaming oras? Dahil sabi naman ng iba, dapat nating i-enjoy ang buhay? Ano man ang piliin ng bawat isa, may pagsisisihan pa rin sa huli, Magmadali ka man o magbagal, kung hindi ka masaya sa proseso ng pagpapatuloy mo magiging ma
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
