Sukob
Oh, buhay na kailanma'y minsang hiniling at inalagaan Ngayo'y aking gusto nang pakawalan at ibigay Sa pakiwari ko'y, ang minsan nang nagmamay-ari nito'y, Hiniling ang kanyang hininga'y Kunin at angkinin ng bagong silang, Ano't ngayo'y buhay pa? At patuloy na umaasa?. Tunay nga bang ang buhay mo'y epekto? O patuloy ka lang pinupuno ng poot sa iyong puso? Patuloy mong tangkain ang sarili mo'y maging katawan ang bato O palayon kang binabalot ng hapis sa sansinukob na ito? Ang maitim na ulap na nagdadala ng lihim na ulan. Ang munting paslit na nagagagalak na siya'y nagpapalunok Ang kanyang buhay binabalot sa ulap ng dilim, Hindi alam kung kailan sisikatan ng araw Isang sukob na nangangalit Ang malakas na hangin na dumampi sa puno, patuloy na sumisibol. Ngunit anong silbi kung ang anino niya'y nakatayo, ngunit ang buwan sa dilim kay hirap tanawin?
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
