Sino ka nga ba?
Alam natin ang ating katawan, Ang balat, ang mata, Ang anyo ng ating pagkakakilanlan. Ngunit kapag tinanong, "Sino ba ako?" Bigla tayong nauupos, Nawawala sa isipan, At hindi malaman kung paano sasagutin. Sino ako sa gitna ng ingay? Sino ako sa likod ng katahimikan? Nagmamasid ang Diyos sa aking mga hakbang, Bago pa ako isinilang, Tinukoy ang aking landas, Itinalaga sa layunin na kanyang hinubog. Hinahanap ko ang sarili ko, Sa pagitan ng mga salita, Sa pagitan ng mga luha at tawa, Sa dilim ng gabi at sa liwanag ng umaga. Sino nga ba ako, sa lahat ng ito? Ako’y naglalakbay, Naghahanap ng sagot, Sa tanong na may sagot kay Kristo. Sa pagyakap sa bagong buhay kay Kristo, Ang lumang sarili’y natutunaw, Ang bagong pagkakakilanlan ay nagsisilay, Sa pag-ibig at layunin ng Diyos. Dito ko natatagpuan ang aking tunay na anyo, Sa pagkakaugnay sa Kanya, Sa Kanyang pangako, Sa Kanyang lumikha sa akin mula sa simula.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
