Si Ma'am Pau
Sa loob ng silid na puno ng pangarap, May isang gurong tunay naming hinahangad. Taglay ang talino, bait, at saya, Si Ma’am Pau ang ilaw naming dala. Hindi lamang aral ang kanyang ibinigay, Kundi pag-asang sa puso’y tumitibay. Parang semicolon na kanyang simbolo, Na kahit may hirap, tuloy pa rin ang laban. Marami mang unos ang kanyang dinaanan, Hindi siya sumuko sa laban ng buhay kailanman. Sa bawat luha at sugat na tiniis, Tagumpay at tapang ang kapalit. Sa simpleng ngiti at maamong salita, Nadama naming kami’y mahalaga. Hindi lamang guro sa aming paningin, Kundi ate’t inang handang umintindi sa amin. Siya ang nagturo kung paano lumikha, Na ang sining ay damdaming malaya. Binuksan niya ang aming mga mata, Sa gandang taglay ng bawat obra. Kapag kami’y pagod at nawawalan ng lakas, Nariyan siya upang kami’y iangat. Sa bawat payo at gabay na dala, Unti-unti naming nadama ang tunay na pagkalinga. Kaya saludo kami sa inyong kabutihan, Sa pusong wagas at pagmamahalan. Ma’am Pau, aming guro at inspirasyon, Habambuhay naming dadalhin ang inyong pangalan. Salamat sa pag-aaruga’t paggabay, Sa panahong kami’y hirap lumaban sa buhay. Munting adviser ngunit napakalaki ng ambag, Pagmamahal ninyo’y mananatili Magpakailanman.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
