Senyales
ako'y natutunaw sa 'yong bawat tingin ang lalim ng aking nadarama ay tila isang bangin senyales na gusto mo rin ako ay tila malalaking bato na tumutulak sa akin upang tuluyang tumalon dito umaasa pa ring babalik ang mga nagdaang sandali ngunit ako'y labis na natatakot mahulog muli sapagkat alam kong 'di mo pa rin sasaluhin ang puso kong bigo’t talunan na patuloy kang mamahalin
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
