sa'yo
Sa bawat silahis ng umagang sumisilip, pangalan mo agad ang aking iniisip. Sa bawat hanging dumarampi sa pisngi, tila ba yakap mo ang nais kong madampi. Kung sana’y kaya ng hangin na sabihin, ang damdaming kay tagal kong inilihim, iparirinig nito sa iyong pandinig, ang pusong sa’yo lamang nananabik. Kung ako’y bituin sa gabing tahimik, sa’yong landas ako’y laging sisilip. At kung ako’y ulan sa tigang na lupa, ikaw ang dahilan kung bakit ako bumaba. Sa huli, iisa lamang ang totoo, ang puso kong ito’y nakalaan sa’yo.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
