SARILI KONG KWENTO
Matagal akong nabuhay sa mga pahinang isinulat ng iba kung saan ako ang tauhang tahimik, laging sumusunod, at hindi kailanman pinapakinggan. Sila ang nagsulat ng dapat kong maramdaman, ng dapat kong paniwalaan, ng dapat kong maging ako. At ako naman, tahimik lang na nagbasa ng sarili kong buhay na parang kwento ng iba. Pero ngayon hawak ko na ang pluma. Hindi na ako karakter lang. Ako na ang may kontrol sa bawat linya, bawat tuldok, bawat pag-ikot ng kwento. Hindi na ako takas, hindi na ako tahimik. Ako ang boses sa likod ng pahina, ang kamay na sumusulat ng kinabukasan ko. At sa wakas, sa gitna ng lahat ng sugat, luha, at pag-asa matapang kong sasabihin: “Ako ang gagawa ng sarili kong kwento.”
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
