"Sa Likod ng Medalya, May Tung
Bawat hakbang, May pag-asa Yan ang katagang aking dala-dala Sa Panlayaan NHS, Ako'y nakilala Mabuting mag-aaral na maraming sumusuporta Sa loob ng ilang taon Maraming nagbukas na pagkakataon Pagkakataong mabigyan ng tropeo at sertipiko At Pagkakataong Mamuno Noon, Ok na ako bilang estudyante Nag-aaral ng mabuti Mag- aaral na palaging nakangiti Kahit may maliit na labi Medalya, ang gantimpalang aking matatangap Sa lahat ng aking paghihirap Sa kabila ng aking Pagsusumikap Nakaabang ang aking leeg, upang ito'y yumakap Isang babaeng, nais maabot ang bituin Walang ìbang binibigyang pansin Kundi ang kanyang mga mithiin Walang ibang iniisip maliban sa kayang mga hangarin Hanggang sa namulat ang aking mga mata Gusto kong maging lakambini ng tiwala Ako'y Hindi Nabigo Bagkus ito'y aking natamo Heto na, handang maging boses ng mag-aaral Mamumuno ng may pagmamahal Sa Panlayaan NHS, Ako'y handang maging ulat ng kabutihan Maging isang lider na may paninindigan Magsisimula na Hindi madali subalit gagawin ang lahat ng makakaya Mahirap ngunit ipagpapatuloy ko pa Panimula pa lamang Marami pa ang mararanasan. Saaki'y may naghihintay na hagdan Sa daang aking lalakaran Matinik o malinis man tingnan Ako'y magpapatuloy sa daan
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
