"Sa Kabilang Dulo"
Minahal kita sa pagitan ng oras at distansya, sa mga tawag na bitin, sa “ingat ka” na kulang sa yakap. Pinilit kong buuin ang presensya mo sa screen, kahit alam kong hindi ka naman talaga narito. Habang ako, hinihintay ang bawat mensahe, ikaw… unti-unting nasanay na wala ako sa araw mo. Hanggang sa dumating tayo sa puntong hindi na kita maramdaman— kahit hindi ka pa tuluyang nawawala. At doon ko naintindihan, hindi pala sapat ang mahal kita kung ang pagitan natin ay mas malakas kaysa sa puso ko.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
