Sa iyo lamang
Nakakapagtaka, nararamdaman kong kakaiba, Hindi naman ako ganito sa iba, Pero pagdating sa iyo, 'di ko maipaliwanag ang kabang aking nadadama. Sa iyo lang ako nakakaramdam ng ganito, Medyo kinakabahan kasi baka iba na ito. Sinubukan ko na ring magpakonsulta, Kaso sabi ng doktor, wala rin daw resulta. Nakakatawa, kasi eto na ako, Sumusulat ng mga tula, nagfe-feeling makata ang gaga, Sa tuwing iniisip kasi kita, Andami kong naiisip na kataga, Hanggang sa nakakabuo na ako ng isang talata, na ikaw ang siyang paksa. Ang dami kong iniisip na nais kong sabihin, Kaya dinadaan ko na lang sa paggawa ng mga sulatin. Sana nga lang ay mapansin sa personal, Kasi ako'y mahiyain, tila ba’y natatakot sa lahat. Nababaliw na daw ako, sabi ng iba, ‘Di ko sila masisisi, kasi sadyang nakakaulol ka. Sa iyo ba namang kakisigang dala-dala, Sinong hindi sa iyo mahahalina?
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
