Sa aking binibini
Huwag sana humantong sa pagkakataon na hindi na tayo magkaintindihan, alam ko mayroon tayong iba't-ibang pag-uunawa ngunit humihiling ako na piliin nating palawakin ang ating kaisipan para tayo ay maging matatag sa lahat ng hamon na sa atin ibibigay. Hindi ko man kayang tapatan lahat ng iyong nais, kaya naman kitang mahalin ng labis. Hindi man ako ipinagpala ng kadaldalan at kaalaman ngunit sana'y iyong naintindihan. Mahal, kahit minsan lang tayo mag-usap huwag mong kalimutan na sa bawat pagpitik ng orasan ikaw ang laman ng aking isipan, sa bawat pagpikit ng aking mga mata ikaw ang nakikita. Gusto kong ipahiwatig sayo ang nararamdaman ko, mahal kita kahit anong mangyari at sa lahat ng oras na hindi tayo magkasundo, ikaw at ikaw parin ang aking gusto.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
