Punla
Ako ang isa sa mga punla, Ngayon ay maririnig niyo ang tula, Tinanim ng naunang henerasyon, Sa kadahilanang gusto makabangon, Sa hirap ng buhay, o pait ng kapalaran? Madaling salita, mauutal ka sa kakasalita, Hindi ako ganito, hindi ako ganiyan, Saan ako lulugar niyan, kung laging ganiyan Pinipilit ang kagustuhan, Kahit hindi kagustuhan, Pinipilit ang gusto, kahirapan maagapan? Lahat ng ginagawa para sa sariling kapakananan, kaya sino ang kakampi ko? Ika ni Rizal, Kabataan ang pag-asa ng bayan, teka parang mali Kabataan ang pag-asa ng bayan? Paano magiging pag-asa ng bayan, kung ang sarili nilang bayan na kanilang inaasahan tuluyan silang tinalukuran. Kailangan maging ganito ka, Dapat ganito ka, Sandali sino na ba ako? Isa nga pala akong punla, Tinanim para tumulo ang masasayang luha Mabawasan ang dugo't pawis na ilalabas, Para kahirapan tuluyang magwakas.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
