PULA AT DILAW
Bakit ngaba itong bansa ay kanilang sinasagad Nag-aagawan sa tronong lubos nilang hinahangad Wagawang Pain pilipino'y di naman nila hawak Huwag nanaisin pilipinas ay mauwi sa pag-aklas. Hindi naman yaong Pula't dilaw gumagawa ng bitag Ang tunay na pilipino'y tinatahan ang pag siklab Tayo'y di magkaka-away bagkos hawak bisig na lapad Tumahan na sanang itong giyera na tinahak. Didinggin ko itong pag-asang sana ay makaalpas Biyaya ng diyos na matahimik ang pilipinas Nang sa gano'y maging tugon niring saligan ng batas At di na dadamdamin yaong giyera na walang antas. Sa mahulugang karayom na sana'y maging maingat Bigkas nitong labi na sana tayo'y maging tapat Hindi katuwiran ang pwesto upang maging sikat Lumaban ng tama sa gayo'y maging karapatdapat.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
