PIRASO
PIRASO Wasak, yan Ang pinaka magandang paglalarawan sa kasalukuyan Kong kalagayan, Pagdating sa pag ibig, para bang puro nalang kamalasan, Buong-buo Kong binigay sayo Ang puso ko sayo, Ngunit basag-basag na Nung binalik mo, Tandang tanda ko pa kung Pano hawakan ng malambot at makinis mong kamay Ang braso ko, Tandang tanda ko pa kung Pano mo Sabihin sakin na mahal Moko, Hanggang ngayun diko magawang limutin ni Isang pantig ng iyong pangalan, Tila ba, naka ukit na at nakatatak na sa aking isipan, Bawat pag lubog ng Araw, Ang naiisip Koy Ikaw, Bawat pag kinang ng buwan , Imahe mo Ang aking natatanaw, Hanggang ngayun ramdam ko paren Ang sakit ng Yung pag lisan Tandang tanda ko paren kung Pano mo Ako bitawan, Hindi ko alam kung Pano at kung saan ulit magsisimula, Sa kasalukuyan, sinusubukan ko paring ayusin Ang Sarili ko Dahan dahang pinupulot Ang bawat PIRASO ng basag kung damdamin Umaasang mabubuo ko ulit Ang dating Ako na nagawa mong sirain, At pagdating ng Araw na akoy handa na ulit mag mahal, Naway sya na Ang babaeng madadala ko sa altar, Ang babaeng tatanggap kung sino Ako, Ang babaeng tatanggap Ako, Ang babaeng magsisilbing PIRASO, na kukumpleto, Sa pagkatao ko.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
