Pinipili
Kawili-wiling di maitatanggi Kagandahan mong natatangi Tunay ngang ika'y tinatangi Kahit sino sayo'y mabibighani Kahanga-hanga kayhirap makawala Sa pagkalunod sayong angking karisma Anomang gawin saan man magtungo Ikaw padin syang hanap-hanap nang puso Pagtingin ay ipilit mang ibaling sa iba Nasayo padin aking panlasa Sa iba hanapin ko man tamis nang ligaya Ikaw padin babalik balikan sa tuwina Madami man saki'y magtaka't magalit Kahit tag-ula'y dumating Wala nakong pagkaing ibang libangang mahihiling Surbetes Ikaw lang kahit lumipas tag-init
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
