Pilipinas
Mga kababayan, hanggang kailan pa ba? kailan tayo gagalaw sa'ting sariling mga paa? sakripisyo ng mga bayani bigyan nating halaga sakripisyong binigay upang tayo ay makalaya Nakalaya na nga tayo sa kamay ng mga banyaga bakit ngayon ay puro away ang ating ginagawa watawat ay winagayway, ang nasa taas ay ang pula kailan mapapasakamay ang tunay na'ting pagkalaya Kapwa pilipino ay nag-aagawan nag-aagawan sa malaking pwesto para sa kasikatan mga pinunong nasisilaw sa liwanag ng salapi habang ang bayan naghihirap sa pamumuno niyong mali
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
