Paraluman
Masisisi kaya ng mundo kung katotohanan ay pinili kong itago? Masisisi mo kaya ako kung sa'yo hindi nagpakatotoo? Batid ko ay oo. Pagkatao kong nabuo sa kasinungalingan, pagmamahal na nagsimula sa walang kasiguraduhan. Relasyon natin na tanging kathang-isip lamang. Kaya ngayon ay puro takot sa puso ang nararamdaman— Sapagkat hindi ko nais na ikaw ay pakawalan, hangad ka ng puso kong nasasaktan. Aking paraluman.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
