Papaano nga ba?
Bakit kailangan magpanggap ng pusong nagmamahal? Upang ito ba ay tanggapin at mahalin? Ngunit paano ang katotohanan? Papaano ang pusong nahihirapan? Papaano ang pusong nais matuklasan? Papaano ang pusong nais lamang ay katapatan? Ito ba ay nararapat kong isantabi, At magpanggap bilang isang panibagong pagkatao Para lamang mahalin mo? Ngunit papaano ako? Nawa'y ako naman sana Ay tignan mo — bilang ako.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
