Pansamantala ☁️
Sinubukan kong tumingin sa itaas at tumambad ang hubad na kalawakan sumisilip ang buwan, habang patuloy ang pagkindat ng tala sa kalangitan. Sa gabing yun, muli kong narinig ang alingawngaw ng katahimikan, Kaya't binuklat ko ang aking mga kamay At sinalubong ang hanging dala ay kapayapaan Sa wakas nagpasyang umalis ang kalungkutan, Panatag ang nangibabaw sa pag-apaw ng luha Bihirang bumati ang luha sa kasiyahan Nagsilbing pamunas ang mga kamay. Batid kung ito ay mayroong hangganan Kaya't sinulit ko silang pagmasdan Sa gitna ng kapayapaan biglang nanakop ang kaulapan. Nagsitago ang mga ilaw sa kalawakan At nanlamig ang hangin sa kanilang paglisan Walang iniwang bakas, kundi ang kalungkutan. napangiti nalang ako, napagtanto sa sarili na nahulog na naman ako sa pansamantalang kasiyahan. Tila hindi pa ako sanay sa malungkot na pagwawakas, ngunit walang lalakas kung walang lungkot na dinaranas.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
