Pangarap
Ako'y nangangarap na makapiling ka, Sinta, ninanais ka, wala ng iba. Ako'y nagsusumamo sa'yo giliw ko, Ito'y simbolo ng pag-ibig ko sa'yo. Ang mata mo'y nagmimistulang bituwin, Nagniningning sa madilim na tanawin. Ang tibok ng puso ay lumalagablab, Sa gabing ikaw at ako'y magkayakap. Ang aking museo'y puno ng litrato. Ang ating alaala ay itinatago, Pinapahalagahan ng labis-labis, Ang ating pagsasamang kay tamis-tamis. Ang ating pagsasama'y isang gunita, Ito ay isang alaalang kay ganda. Ang ating alaala'y 'di mawawala, Huwag mag-alala, aking sinisinta.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
