Pananampalataya't Agham
Pananampalataya'y siyang kapanatagan Mga bagay na 'di nakikita't natatangan Agham nama'y sistematikong pinag-aaralan Maging materyal man o panlipunan Naniniwala sa 'di matingkalang kapangyarihan Pag-ibig sa itaas na sa twina'y nararamdaman Lahat ng mabuti nagkakalakip sa kabutihan Ugat ng buhay at bagay nababanaagan Hindi malilimot naririto tayo sa sanglibutan Naniniwala din sa pisikal na katotohanan Tanang nagugunita mayroong kaparaanan Ginagamit mula noon hanggang sa kasalukuyan Namumuhay sa dalawang ideya'y walang laban Kamtin katotohanan, katwiran, at kapayapaan Abutin layunin ng pananampalataya sa'tin Marating lunas sa mga pangangailangan natin
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
