Pamilya
Hindi lahat ng pamilya, masaya at buo. Pero hindi rin lahat ng pamilya buo, wala ng problemang tinatago. PAMILYA, isang salita na binubuo ng pitong letra. Pamilya na mayroon ang iba, Pamilyang masaya, buo at nagkakaisa, Pamilyang patuloy na nagmamahal at sumusuporta. Sila yung mga taong una mong tatakbuhan, Sa mga oras na walang-wala kang malapitan, Sila yung taong hindi ka huhusgahan, Ano man ang iyong katayuan, ano man ang iyong kalagayan. Sila yung madalas nakakaintindi sa'yo, Kahit sino ka pa, ano man iyang dala-dala mo, Sila yung mga taong handang gawin lahat, Hindi ka bibigyan ng anumang pasakit at sumbat.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
