Paksa
Sa bawat pahina ng librong hawak ko, Ikaw ang kuwentong nais kong mabuo. Ang bawat salita, talata, at kabanata, Sa iyo nagsisimula, sa iyo rin tatama. Ikaw ang paksang kay sarap isulat, Na nagbibigay-buhay sa matang namumulat. Hindi man ako sikat na manunulat sa mundo, Sapat nang ikaw ang tanging mambabasa ko. Gaya ng nobela na may tamang simula, Ang paghanga ko sa iyo’y parang isang tula. May tugma, may sukat, may tindi ng damdamin, Sana ang pamagat nito’y maging "tayo" na rin. Kung ang buhay ko ay isang makapal na libro, Ika'y huling pahina na hihantungan ko. Ikaw ang kuwentong hindi pagsasawaan, Ang aking paksa, ngayon at magpakailanman.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
