PAKSA
saking paksang susulatin, Pahina mo'y aking lalakdaan, ating Kwento'y bubuohin. panulat ko'y Nawaksan. Sapagka't nang aking buksan, Paksa mo'y laman ay iba, Kwento mo'y binubuo, Nang binatang umiibig sayo, damdamin ko'y Lilisanin sapagka't kwento mo'y nasimulan na, Paksa mo'y kakalimutan, Damdamin ko'y naghihinagpis, nguni't wala akong magawa, siguro nga'y Panulat ko'y aking itatabi.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
