Pahina
Sa bawat hapis ng pahina, katumbas ng mga ala-ala nating kay saya Mga nobelang ating itinatak sa munting isipan ang aking paborito, Ngunit ang pahina ng ating aklat, Ay, ganoon na lamang magtatapos sa isang iglap Ang tinig ng sakit ang bumabalot sa aking pusong sawi Mga mata mong nagniningning, sa iba pala ang atensyon. O giliw, ako'y 'di makausad sa'ting kwento Ito ba'y may patutunguhan pa sa'ting dalawa? O sadyang ako'y patuloy na umaasa? Ang munting sibat ng mga salita'y Nakaukit sa'king damdamin Ganoon na nga lang ba magtatapos ang ugnayan? Patuloy pang umaasa na ito'y maitutuloy Ngunit anong silbi nitong pahina?, Kung Ika'y may iniibig? Ako nga ba'y hangal na hindi ka limutin? Bawat hapis, bawat ala-ala, Ito na nga ba'y magsisilbing pait ng nakaraan? Magsisilbing sakit ang mga ala-ala nating nabuo Lapis at papel, upang simulan muli Simula sa wakas, ang pag-ibig ko'y mangingibabaw parin At patuloy na kakalimutan ang ating munting nabuo.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
