Pagmamahal sa PAMILYA
Hindi ako perpekto alam kong ako ang unang nagkasala at nanakit sau. Pero ito ay aking pinagsisihan ng matagal na panahon,at iniwasan ang mga bagay at tao na pwedeng maging dahilan para ikaw ay akin masaktan muli..Dahil pinahalagahan ko ang binigay mong pagkakataon at pinakita ko sa lahat na ang isang babaero at tamad na pagkatao ay pwedeng magbago dahil sa pagmamahal sa kanyang pamilya.. Sa kabila ng aking pagsisikap at pagbabago nagawa mo parin akong ipagpalit at saktan,Matagal na panahon bago ko ito nalaman..At hindi ko lubos maisip sa kabila ng aking ginawa at pagpapakita ng pagmamahal sayo at sa ating anak,nakaya mo pa ako lokohin at balak ipagpalit sa isang tomboy na ni minsan hindi ka minahal bagkus ginamit ka lang..Hindi mo man kami inisip ng anak mo sa mga panahon na yun, at dahil sa ginawa mong iyon ay hirap ang dinanas naming mag ama.. Alam mo sobrang sakit para sakin ito at muntik kong hindi makayanan,Oo nung malaman ko ito gusto ko talaga kau iwan. Pero kahit sobrang sakit na binigyan kita ng pagkakataon para makabawi at maayos ang buhay mo at para maayos ang pamilya natin.Masakit man ang yung ginawa..Pero mas matimbang ang pagmamahal ko sa inyo ng anak ko kesa sa sakit na dinulot mo.#FAMILY
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
