pagmamahal sa magulang
Sa Inyo ako nag mula Kayo Ang dahilan Ng aking paghinga Magmula Ng imulat Ang aking mga mata Hanggang sa unang hakbang ng aking mga paa Sa pag iyak gabi-gabi laging andiyan kayo saking tabi Laging naka gabay Hanggang saking pag laki Pagmamahal at pag aaruga'y mananatili Kaya kung ating iisipin,lahat Ng gawa Utos,at sinasabi nila ay may katuturan Dahil Ang alaga't pagmamahal nila Tiyak na umaapaw sa kalangitan Natutuwa ako dahil kayo Ang aking magulang Na walang sawang pagtatanggol At walang Hanggang pagmamahal Ngunit ako'y suwail at naging Isang hangal Na sa aking pag laki ay di iniisip Ang pagkakamali Na sa lahat Ng bagay walang ginawang mabuti Kundi bahid Ng masamang ugali Ngayon ko ipapakita at ipapadama Ang pagsunod Sa Inyo aking ama't Ina Aking susuklian Ang mga sakripisyo niyo't pag-aalaga Mula sa aking pagkabata Kaya't panahon na upang kayo'y pasalamatan Sa Inyong magandang kalooban Na naging kulay sa aking kinabukasan Na kahit ano Mang bagay o kayamanan Di kayang tumbasan ninuman At walang pag-aalinlangang ipakita sa Mundo At ipadama na kayo'y ipinag mamalaki ko Na di kayang limutin Hanggang sa pagtanda Dahil may magulang na nagmamahal sa Isang tulad ko.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
