Pagluluksa at Pagtanggap
Panibagong tula, bagong paksa, Tulang patungkol sa ating dalawa, Ang tulang ito'y sadyang gawa. Istorya nating nagtapos, Na kahit ayaw nating matapos, Mga pangakong napako, Kagaya ng iyong pagbabago. Gusto kong bumalik, Sa mga alaala na puno ng ligaya't pag-ibig, Ayusin ang mga pagkakamali, Ngunit hindi na maaari. Ikaw ay masaya na sa iba, Ayaw na kitang guluhin pa, Masakit man pero kailangan kong tanggapin, Na ikaw ay hindi para sa akin.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
