PAGHANGA
Kasing lawak ng bituin sa kalangitan, Ang ningning ko kapag ika'y nasilayan, Sarap lingunin ang ligayang nakamtan, Sa larangang hindi pa ako naging talunan. Sa silid na puno ng ligayang tunay, Larawang nagbigay sa atin ng kulay, Sa pagsasama sana ay maging tulay, Pero ako ay iniwang walang malay. Patuloy naglakbay kahit pa lumagpas, Kailan ba mapansin pag-ibig kong wagas? Ako'y naghihintay sayo bawat bukas, Paghanga ko sa iyo ay naging lakas. Ilang luha pabang kailangan sayangin? Ilang pagsamo ang kailangang bigkasin? Upang sa mundo mo ay ako'y diringgin, May pag-asa bang ako'y iyong mahalin? Sumabay sa pag-iyak sa'kin ang langit, Kahit puno ng hirap kinayang pilit, Sadyang ang tadhana ay napakalupit, Bakit ba mahalin ka'y napakasakit.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
