Paghanga
Marahil ay alam mo ng maganda ka Ngunit alam mo bang ako'y nalulunod sa'yong mga mata? Sa mga mata mong puno ng saya Na sinasabayan pa ng mga ngiti mo't tawa Kaya siguro atensyon ko'y nakuha mo na At pilit ibinubulong sa sarili ang mga salitang dapat ay para sayo naman talaga Ang mga katagang "hinahangaan kita" Na nasasabi ko lamang habang sa malayo'y pinagmamasdan ka At ako'y laging napapa ngiti kapag nakikita ang ganda mong natatangi; Ika'y maihahalintulad sa paru-paru Sapagkat namumukodtangi ang gandang taglay mo Ang gandang sayo lang matatagpuan At hindi mapapantayan ng sino man; Kaya't giliw akoy pakinggan, At nang masabi ko kung gaano kita hinahangaan.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
