pagbilang ko hanggang sampo
isa, isang beses mong sinabing ayaw mo na. dalawa, dalawang beses akong nagmakaawa sayo. tatlo, tatlong beses mo akong tinanggihan at sinabing hindi pwede may iba nakong mahal. apat, apat na butil ng aking luha ang sabay sabay na nagbaksakan. lima, limang hakbang mo papalayo sa akin. anim, anim na hakbang ko papalapit sayo para ika'y habulin. pito, ng ika'y aking maabutan at niyakap ng mahigpit, ako'y iyong tinulak na syang dahilan ng aking pagbagsak. walo, ako'y talo sa laro nating tatlo, dahil mas mahal mo siya higit sa pagmamahal ko sayo. siyam, ako'y umupo at yumuko at nagtanong saking sarili, ano pa ba ang naging pagkukulang ko saiyo mahal, ibinigay ko lahat'lahat minahal kita ng higit sa buhay ko, nagbulag bulagan na ako kahit alam kung matagal ng may kayo ay binalewala ko lang ang lahat ng iyon ngunit sa huli siya pa rin ang pinili mo. sampo, ayuko ng makipaglaro, tama na ipinapaubaya na kita sakanya hindi dahil sa hindi na kita mahal kundi dahil alam kung sakanya kana masaya. larong habul-habulan, kay hirap laruin dahil habang hinahabol kita ay hinahabol mo din sya. larong tagu-taguan, gusto kung laruin ngunit ako'y napa isip kailangan ko pa bang magtago? eh andito na nga ako sa harapan mo,
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
