PAGBABAGO
Sa paglipas ng panahon may napansin ako Analaki ng pinagbago mo Wala ka ng paki sa tampo at galit ko Pinagtataasan mo narin ako ng boses Sa tuwing may alitan tayo Hindi ko alam ang rason,kung bakit Yung mga ngiti at saya sa mga labi mo di kona makita. Wala ng good morning sa umaga Wala ng good night sa gabi at Wala ng kumain kana ba? Ano? Anong nangyari? Yung lalaking nakilala kong Maalaga,mapagmahal at hindi ako pinapaiyak ngayon ay sanhi ng bawat luhang pumapatak hindi ko din alam bakit Ako nananatili sa relasyong ako Nalang ang nag mamahal, Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan? Hindi ba't pinangako mo na Hindi mo ko bibitawan? Ngunit kahit anong oras ngayon ay handa mo akong bitwan at pakawalan,kala ko ba ako'y iyong pakakasalan? At mamahalin sa bawat sigundo ng iyong buhay? Asan na? Tila hinipan ng hangin ang mga katagang Iyong binitawan. Mga pangakong nagbigay sakin ng dahilan para hindi ka bitawan. Ngunit hindi ko nais na habang buhay kang masaktan,kaya naman pinalalaya na kita,malaya kang bitawan ang aking mga kamay, 🖋️Issa🍀
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
