PAG USAD
Gabing mapayapa, ngunit utak ay magulo, Maliwanag Ang sinag ng buwan ngunit , Madilim and iniisip ko, Malamig Ang ihip ng hangin habang Ramdam ko parin Ang init ng yakap mo Nalilito sa pagitan ng salitang "ayaw ko na" at "Kaya ko pa to" Tatlumpot Isa, Yan ang bilang ng mga gabing Kay hirap mag pahinga Hinihingal habang iniisip kung ano nga ba ang maling nagawa, sa bawat pag kirot ng dibdib, ay sya ring pag patak ng mga luha, sa bawat pag patak ng luha ay sya ring pag balik ng mga ala-ala. Paano nga ba magagawang tapusin Ang kwentong Hindi manlang nasimulan, Paano nga ba lilimutin Ang taong nagtanim ng mga ala- alang Kay sarap balikan Kung gano ka daling mahalin, Ganun din pala Ka hirap bitawan. Kapayapaang hinahanap Sanay akin ng mahagilap, Ang Makita Ang Araw Sa napaka kapal na mga ulap Pagbuhos ng mga luha'y Tila ba walang katulad Pasalungat man Ang agos Ay pipilitin Kong umusad.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
