Pag lisan
Dalawang beses mo akong iniwan. At doon mo ipinaramdam na hindi ako kamahal-mahal. Sa mga araw na iba ang pinipili ng puso mo at hindi na ako kasama sa mga desisyon at plano mo sa buhay, doon ko nakitang hindi ka na masaya. Hindi na kita napapasaya. At siguro nga, sa bawat sandaling naiisipan mo akong iwan, ‘yon din ang mga oras na hindi mo na ako mahal. Noong inamin mo sa sarili mong pagod ka na, doon mo rin nakumpirmang mas magiging masaya ka sa iba. Hindi ako ang iyong tadhana. Naligaw ka lang dito at hindi naman talaga ang tulad ko ang gusto mong makasama mula umpisa hanggang dulo. Dahil kung oo, hindi ka dapat napagod. Hindi ka dapat sumuko. At kung totoong mahal mo ako, hindi mo hahanapin ‘yong pahingang kailangan mo sa ibang tao. Hindi ka magbibilang ng mga pagkukulang ko. Kung mahal mo ako, dapat sapat ako sa ‘yo. ---- ✍︎ cutiecut🍀
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
