pag-ibig sa paglubog ng araw
ཐིཋྀ himig ng ala-ala, puso'y hinahanap ka. sana ay muli kang mahawakan at mahagkan, mayakap ka kahit sa sandaling minuto lang. gusto ko na ulit marinig ang iyong tinig, o 'di naman ay ikulong ka sa mga bisig. narito parin ako, naghihintay sa iyo. ako'y nasa pintuan, ika'y inaabangan. nagbabakasakaling ako'y iyong puntahan, sana ay muling magpakita saking harapan. ako'y nasa sala, mga ilaw ay bukas pa, nagsimula narin ang paborito mong drama. kahit saglit lang— ako sana'y iyong dalawin. yakap iyong larawan, at ang tala-arawan. binabasa mga salitang iyong sinulat, tuwing gabi'y paulit-ulit na binubuklat. sa bawat pahina ay nadudurog ang puso, bawat kataga ay nangungulila sa iyo. umaasang maramdaman ang iyong presensya. nandito parin ako, naghihintay sa iyo. pakipatay na ng ilaw, ako'y susunod na. ako'y papunta ba upang ika'y makasama. mata'y ipipikit at ako na ay lilisan, susunod na sa'yo tungo sa kapayapaan. kung saan tayo ay magiging masaya muli. ☕️🌱. pag-ibig sa paglubog ng araw 🦋🥀. evening_butterfly
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
